Wednesday, August 25, 2010

Laking Sta. Monica Shirts

Nagbabayad ka rin ba dati ng tuition sa gilid ng kumbento?
Nanghuhuli ka din ba dati ng tutubi malapit kay San Lorenzo?
Inihaw rin ba ang madalas mong inoorder sa canteen?
Nagbibigay ka rin ba ng sulat sa mga friends mo tuwing recollection?
Naaalala mo pa ba si Mang Efren?
Humihinto ka pa rin ba tuwing naririnig mo ang Angelus?
Nagsasawsaw ka din ba sa holy water sa church bago pumasok sa umaga?
Nagmamano ka pa rin ba sa mga pari tuwing nagkakasalubong kayo?
Kasali ka ba sa mga nakikipagtapunan ng tubig at pulbos tuwing nagchachampion kayo sa Basketball at Volleyball?
Alam mo pa ba ang tono ng Hail St. Monica?

...Kung oo ang sagot mo sa lahat ng tanong na yan, walang dudang ikaw ay...

“Laking Sta. Monica”

At bilang paggunita sa mahigit 27 taon ng samut-saring ala-ala na nabuo sa ating kinalakihang paaralan,
Inihahandog namin sa inyo ang “Laking Sta. Monica” tshirts.
Sa halagang P250 lamang,.
100 na piraso lang ang ginawa, kaya maging isa ka na sa magkakaroon.


Please contact 0915-626-1127, 0922-350-7697, 0922-802-6430.



No comments:

Post a Comment